siguro,magtataka kayo kung bakit ako biglang magtatagalog.(kunwari, may pakialam kayo). wala lang. kasi magpapasko na(kunwari, may koneksyon). napagisip isip ko kasi na mas nailalabas ko kapagka tagalog. besides, filipino is my favorite subject.
wala lang akong masabi. bakit kaya ganun? pagka may nangyari sakin nung araw na yun na maganda o di kagandahan, ang papasok kaagad sa utak ko, "ilalagay ko 'to sa blog" pero pagka nasa harap na 'ko ng pc, nawawala lahat ng sasabihin ko.weirdo.
may kwekwento pala ako. kaninang ECO class, eh nag bell na nun( 'big sabihin, time na), habang nagsasalita si Ms. Cascasan, biglang tumigil. napansin nya pala na natutulog si ODC. bigla nya kaming sinenyasan na labas na daw kami. in short, iniwanan namin si ODC sa Media center na mag-isang natutulog. wala lang, nakakatawa lang. naalala tuloy ni bonn nung ginawa yun sa kanya last year ng tri prudens.
nag simbang gabi na pala kanina. 1st nayt. sana nga hindi ako tamarin. may wish kasi ako eh...ano wish ko?....iyak ka muna!wah! deh, gusto ko lang makapasok sa matinong school... pero in reality, gusto ko either up or ust. kung neither, mag out of school nalang me. ha! seryoso ako.
mag jajanuary na. labasan na ng result. natatakot na talaga ako...sigh
anyways ulit, kaninang simbang gabi sa school, wala lang, nakakaaliw kasi kinakausap/nakausap ko yung mga taong hindi naman ako madalas pinapansin/nagpapansinan. katulad ni Marvin(cruz? di ah!). sinabi nya lang na naka chinelas lang ako. yun. nagkwento lang sya.(take note, habang nagmimisa). si "boy next door", kinakausap nya na ako!!!! yipee!!!(kung sino sya, sikreto! baka kasi nababasa ni dang 'to, mahirap na.wahaha!). antagal na naming magkaklse, ngaun nya lang ako pinansin.
at ang pangatlo, si *pangalan-dito*. mukhang sira kanina. kasi kunakausap ko si boy-next-door (:P). tapos, sumisitsit sya. ako naman, tingin. Pramis, nahuli ko syang nakatingin sakin. so tinitigan ko din kasi akala ko may sasabihin sya, o kaya may ipapaabot, o kaya magpapatimpla ng kape. basta, nakipagtitigan pa sya sakin ng 1000000000mili mili mili mili seconds tapos binaling nya yung mata nya sa iba. ang weirdo no? napaparanoid tuloy ako.
pero sa totoo lang, gusto ko na talaga syang pansinin eh. kasi since 1st year pa kami hindi nagpapansinan nun eh. eh b4 naman hindi kami nagpansinan, magkaibigan naman kami. nagkukulitan pa nga kami nun eh. kaya lang, siguro, mahirap na talaga(andrama!!!). seryoso. siguro, amin nalang yun.(andrama ulit!)
currently, nasa friendster at peyups ako.
till here muna. ala pa akong masabi.nytie nyt nyt...
_anak ng boogie_