Andamin nangyari ngayong araw na ‘to. Yung iba nakakatuwa, yung iba, nakakalungkot. Marami din akong realizations.
Tapos nako sa clearance!!! Wahaah! Wala na talaga akong pinuprublema ngayon! Kasi ang wla nalang sine eh SAC, library at co-curricular. Makakapag exam nako! Wahaha!
Buti naman at hindi ako masyado naghirap ngayon sa clearance. Kasi nung grade 6 ako, sobrang pahirap (did I mention na dun ko nakilala ang TUNAY kong kaibigan na hindi nangiiwan sa ere?). akala ko talaga, hindi ako gragraduate nun! Di pa kasi ako responsible nun eh. hehe. Ala pa akong pakialam sa mundong ibabaw. Kaya naman nung tumungtong ako ng highschool, I make a point na kailangang magprioritize at unahin ang gawain.
Speaking of PRIORITY, (blind item ‘to!) may pinakwekwentuhan kami ni Trina na isang tao kaganina. Actually, di naman ako masyado nagsalita, pinakikinggan ko lang sya. Astig kasi akala ko, ako lang yung nakakapansin, pati pala si Trina.
Kasi ganito. May isang tao. At nagbago na sya. Period. Hindi naman kasi ganon dati yung ugali nung taong yun. Lumalaki kasi yung ulo nya ng walang dahilan. Yung tipong “I-know-everything-so-don’t-ever-mess-up-with-me!” klase ng tao. Pero, technically, ano bang ipagyayabang nya?
Oo, sabihin na nating mayabang ako, pero between the two of us, hamak na mas may sinabi ako. Dahil marami akong pwedeng ipagyayabang. Yun nga lang, masyado akong mabait at hindi ko ipinagmumukhaan sa kanya yung mga bagay na yun. kasi ayaw ko ma offend sya dahil kaibigan ko sya. Ang tanong, sya kaya, kahit minsan, nirespeto nya yung mga tao sa paligid nya?
Yes, naging “bossy” yung ugali nya na akala nya, hawak nya ang kaluluwa ng buong pilipinas. . Ok ako kasi hindi ako nagpapauto sa kanya, iniiwasan ko na nga sya At ayaw kong kasama sya sa mga lakad ko. Eh pano kaya yung mga tao na nahiipnotize nya.
Sabihin nyo nang masama ako. Pero, pare, hindi lang ako ang nakakapansin non! Marami naring ilang sa kanya. Bakit kaya ganun yun?
Tapos eto pa, sobrang pinapalaki nya yung problema ng mundo nya! yung tipong sobrang small deal lang naman na pwede kang mabuhay kahit kalimutan mo yun lahat, pinapalaki nya na gusto nya, maawa kami sa kanya. Tipong, ang sarap sarap ng kwentuhan naming sa canteen nung recess, tapos bigla sya dadating na umuuyak at sasabihin ang problema na hindi naman problema. Gusto nya lang umiyak samin at para malaman naming na inaapi sya, na hindi naman talaga. Astig nga yung isang tao nun (hindi ko nalang sasabihin kung sino), na kasama naming sa pagkain. Lakas ng loob na sabihin sa kanya na “ano kaba ----, ang liit liit ng problema mo, pinapalaki mo! Mukha kang gago, iyak ka ng iyak dyan, eh wala naming kakwenta kwenta yung iniiyakan mo. Sa totoo lang, nonsense ka!” lakas ng loob no? I admire those people. It’s really hard to draw a line between being good, not hurting other’s feeling and speaking out loud.
Eto pinaka malala sa lahat: MAYABANG. Sobra. Kaya nga ayaw ko kausap yun kasi alang kakwentakwentang kausap dahil super duper self centered na, paulit-ulit pa sinasabi, puro kayabangan pa. May nag comment nga sakin na kapag daw kausap mo sya, parang nilalapastangan ang dangal mo at pinagmumukhan nya sa sayo na isa siyang diyos. Ganong klaseng kayabangan. Kaya pagka kausap ko sya, mahirap magpaka plastic, minsan talaga, lumalabas na yung tunay kong katauhan. Iniiwanan ko talaga sya sa gitna ng usapan namin!
Ayos sana kung talagang may ipagyayabang sya. Kaso, makapal lang talaga yung mukha nya. Actually, pinagdidiitan nya yung sarili nya sa pagkanta at pagsayaw at kung ano ano pang career. Marunong sya, pero hindi magaling.
Aamin ko, hindi ako magaling magsayaw at kumanta, marunong lang, pero hindi ko naman ipipilit yung sarli ko sa hindi ko level. Trying Hard kasi yung dating. Para mapansin. Labo.
Eto mas lalong matindi… never syang nag prioritize. Pare, di pa tapos clearance nung tao, ne hindi manlang nya asikasuhin. Alang syang pakialam. Puro pa cute ang inatupag. Take note, niyaya nya ako sa SM kahapon. Ako, kayangkaya ko ng mag SM dahil ala na akong problema. Pero sya, lakas ng loob! Iw onder kung anong mangyayari.
Hindi ako galit sa kanya. Pero, pwedeng mabago yun kung hindi babalik ang dating sya.