WARNING: A VERY VERY LONG POST...
I don't wanna post some new year's resolutions that I am sure that will never happen. Here's a recap nalang of what I have been posting all year long... Eto yung mga naaaliw ako. Ako ba nagsulat nito??? (it took me 2 days to compile this. so, today IS MY BIRTHDAY! haha)
JANUARY:
ako nanaman 'to. nakatulog na ako. pero nakatulog ako ng alas kwatro. astigin no?
ganyan ang magandang gawin pagka sawa kana sa buhay mo. magpuyat ka sa kakatitig sa screen ng pc mo tapos sabay inom ng gatas! buhay ang kalamnan mo nyan!haha... january na! labasan na ng result(USTET). nakakakaba. bahala na. mabait naman si papa jesus kahit sa mga masamang damo! ... anak ng boogie! gusto ko talaga lumabas kahit tinatamad ako. gusto kong pumunta sa national, o kaya sa odc, o kaya sa sm(pero sarado), o kaya sa impyerno, okaya manuod ng sine, o kaya sa luneta, o kaya sa davao, o kaya...kahit saan! kasi pag dito lang ako sa bahay, makaaktulog lang ako. hindi mabubuhayan ang dugo ko. pag nasa labas ako, makakapag foodtrip ako at kakan ako ng ice cream! (january 1)
best news...friendster ko na si atom! di ko lam alam kung sya talaga yun, pero who cares! haha.ang saya saya talaga.(3)
tapos sa Filipino namin, ganda ng play! hindi ko akalain na ganun kalalabasan ng play namin na kahapon ko lang inasikaso! and take note, may bago nako career! hindi na ako SCRIPT WRITER! isa na akong DIRECTOR!!!! wahaha! boogie yan! pero bago ko nakuha ang "best director", dugo at pawis muna(at konsumo ng kuryente!)... i would like to thank my constituents, my allies, kay legolas...teka, dapat may free snack sa canteen ang mga may awards! nakalimutan ko(13)
guess what! pasado ako sa UST!!!and hindi ko parin natatanggap ang sulat galing sa aknila. binalita lang sakin ni
sis. grabe! at least, di na ako "hindi" magaaral! may school nako! akalain mong nakapasa pa ako dun eh sobrang kumakalam ang kalamnan ko nung nag ustet ako sa sobrang ginaw!(27)
uy! may bago akong career! isa na akong musical chu chu ngayon! hindi ko alam kung paano sya tatawagin, exactly. pero musical chu chu nalang.(29)
FEB
ganda ulit ng card ko. pwede na ulit ipagyabang.siguro, nitupad ni papa lord yung panalangin ko na mabalik ulit yung sigla ko sa pagaaral. buti naman. (9)
nagkasunog kanina sa may school! take note..."sa may". hindi mismo sa school. sabi kasi sa unang hirit sa may legarda daw kaya hindi ako masyado nagpanic. slight lang kasi malapit sa legarda nakatira yung bago kong prospect(and, NO hindi yun si 19.puhleezz). yung bugarins yung nasunog kasama ang mga bahay na kahoy. kawawa naman sila. inaamin ko na kahit na kaganina eh pinanalangin ko na sana ay wala kaming pasok, yung nakadungaw ako sa bintana at nakikita sila, naawa parin ako.(hindi ako bato!). shakz talaga!yung Investigatory Project namin! buti, nagkaari! astigin! pinagpuyatan ko talaga kahapon yun kasi hindi magkaari kasi napuputol yung pagkakabuhol. boogie!(10)
dadaanin ko nalang sa tanong 'tong blog na 'to.naranasan mo naba na maasar sa isang taong alam mong kapag pinatulan mo, ikaw ang mas mapapahamak at lalabas na masama? naranasan mo nabang super duper pagod ka na dahil sa academics eklay tapos papagawa sayo ang isang bagay na alam mong hindi mo forte, tapos kelangang ma meet mo yung expectation nila dun sa pinapagawa nila w/in a period of time, at kapag hindi mo na meet, sisigawan ka nila? eto pa, naranasan mo naba yung iniwan ka sa ere ng kaibigan mo dahil pinili nya yung mas magpapansin sa ibang tao? naranasan mo naba yung bumaba yung tingin sayo ng taong yun kasi mas pinansin sya dahil papansin nga sya? naranasan mo naba yung naramdaman mo kung sino yung totoong tao?naranasan mo naba yung asar ka sa isang tao at ang ang kapal pa nyang magpaka bossy, where in fact, andami mong pwedenga ipangblack-mail sa kanya pero, iiwasan mong gawin yun kasi mabait ka?AT naranasan mo nabang hindi magawa ang gusto mong gawin kasi may mga taong pinipigilan ko?nonsense no?(12)
family day namin ngayon! haha! magsasayaw kami ng "me against the music". di mo maimagine no? ako din. kaya kung gusto mo humabol na mapanood kami, punta ka lang sa nazarethschool, 272, plaza sta. teresita st. sampaloc, manila. mga before lunch kami magsasayaw(kung sayaw na matatawag yun.hehe).(15)
hay salamats, nakauwi na ako mula sa impyero, este, sa school works.kanina, 2 major compi ang nasalihan ko. astig?umalis kami sa school ng 7:30. pumunta kami sa notre dame in greater manila. kasi doon magaganap ang chuchu eklash ng CLMI. akala namin, malelate na kami kasi 8:00 na (ang NAKASULAT na umpisa ng contest), ala parin kami sa caloocan.ok naman ang naging takbo ng contest. kung hindi lang na blank-out yung utak ko w/in 5-10 minutes. na blanko talaga ako. di akomakaisip ng panimula! tapos, na relax din naman ako. natapos ko yung buong 4 lines 10 stanzas na poem w/in mga siguro, 30 minutes. at ang tema... Impluwensya ng Kabataan sa darating na Halalan. ok. pagawan daw ba ako ng tula tungkol sa eleksyon na dinarawa naman ng karamihang pulitiko. sana naman, sa pinaggagagawa namin dun, mabasa yun ng mapagsamantalang pulitiko at mabago ang pilipinas!todo talaga. pasmang pasma yung kamay ko habang nagsusulat ako. last na naranasan ko yun eh yung nag ustet ako. pero, mas matindi naman yung sa uste. dumudulas talaga yung lapis dun sa kamay ko! haha!ayun. ehdi, nakauwi kami ng mga 2:00. winelcome kami ng power force ng nazareth!(technically, di nila kami ni welcome, kami bumati sa kanila at binati lang kami pabalik). at 3:00, may elimination naman ng quiz bee. at sana di ako mapasama! dapat pala, minali mali ko yung sagot ko, para sigurado! hehepagod na talaga ako. sigh(18)
ang lufet! bakit ganun yung buhay! nikakakarma na ata akO!kasama ako sa pasiklaban(aka quiz bee). boogie!nakakaasar(20)
the upcat already came out. and i didn't made it! and i WAS expecting that coming.only camile made it. applause...applause...besides, you win some, you lose some...and i have been winning a lot lately. the ustet(passing all three), the poem writing, the quiz bee... maybe it's god's way of telling me that life isn't perfect at all. and that UP is too big for me. hehethen it's final, i'll be going to
UST for college. my mother wins, after all! and a lot of people around me IS expecting me to attent UST. (but, i really prefere farther school since nazareth is just 2 blocks away from home.)sabi nga ni dhang, hindi namin makikita si marvin cruz!it's ok though, we have Jemal Vizcarra!haha!(21)
grabe! kagahapon, gumagawa ako ng lil thesis sa english. eh banas na banas ako kasi di ako maka-connect sa net, biglang may nag text sakin!(akalain mo yun!). siguro mga 5 sunodsunod na messages! hulaan mo kung sino......si CArlo!wala eh, textmates na kami! harhar!*dun sa nagtatanong kung sino ba si carlo, sya po ay isang 1st year highschool sa nazareth na prospect namin ni
badang.(25)
boogie! guess what? NANALO KAMI SA QUIZ BEE!todo! hindi ko alam kung pano nangyari yun, pero NANALO KAMI!...O well, katulad nga ng sinabi ko dati, you win some, you lose some. AND I'M PRETTY MUCH WINNING A LOT LATELY! tama na sakin yun. ayaw ko ng mabawi pa yun. what's done is done.(27)
donna's mom died last friday, feb 27 at exactly 9:01 in the evening. let us pray for her soul(29)
MARCH
last day na ng exam namin ngayon! at tapos na sya! (ironically, math ang last subject namin. at yun ang may pinaka madaling exam sa session na 'to!). COLLEGE NA KAMI!boogie. hindi parin ako makapaniwala na aalis na ako sa Nazareth. nakakakaba.(5)
"You'll be ready for a change today. Talks will lead to a new challenge. Money-making opportunities look promising and so does the possibility of romance. "yan ang horoscope ko ngayon. bakit kaya hindi sinabi na wag akong pupuntang practice sa choir kasi mapupunta ako sa isang seminar tungkol sa reflexology.boogie talaga. 1:30 kami dun hanggang 4. kung hindi lang nagyayang umuwi si kuya dante (kasi tapos na kaming pakainin. hehe), hindi pa siguro kami uuwi. nakanang yan. pero ayos lang, marami rami din akong natutunan. katulad ng masakit ang reflexology. lalo na sa kamay. ano kaya ang pinipindot sa kamay kapag masakit ang kamay?(6)
ANAK NG BOOGIE! WITH DISTINCTION AKO!!!(11)
GRADUATION DAY KO NA!!!(20)
Picture this. there was a guy you never thought you'd come across again. i mean, sobrang destiny nalang kung magkikita kayo ulit. you know his name, where he is studying, his corz, etc. pero, like is said, destiny nalang kung magkikita kayo ulit. then suddenly, bigla nalang sya nag nagparamdam sayo, say, nag email sya. ano gagawin mo? ano irereply mo?(27)
APRIL
as promised, lumabas nga sa
mav and a si paul darrel. asus. akala ko naman, ililigtas nya si anthony at ariel sa tiyak na kapahamakan. yun pala, 1 minute of fame. ayos na yun, at least, lumabas sa tv.(1)
amoy sigarilyo yung buhok ko. kahit yung pinakamabangong syampu na yung ginamit ko, nakakapit parin yung amoy. nakakaasar. dati namang pumunta kami sa mayric's, di umamoy yung buhok ko. nakakaasar! (3)
nilabas na sawakas ang "station id" ng ABS CBN, ang "sabay tayo, kapamilya" na kinunan sa may NAzareth.(4)
name of successful applicant: Jamaica Jane J. Pascual. astig 'to.pumunta ako sa UST kanina kasama ng aking ama para sa verification(6)
kandidato:ipinapangako ko, na pagagandahin ko ang sampaloc at magtatayo ako ng space shuttle sa gitna ng plaza sta. teresita para kahit kelan. pwede kayong pumunta sa outer space blah blah blahtaga sampaloc: we lab yu, ALFRED!!!!!!!!!!! taga sampaloc : FPJ!!!! WE LAB YU!!!!taga sampaloc: uy, may bidyo... baka madiskober ako!!!taga sampaloc: gusto ko ng matulog! bili tayong pishbol...taga sampaloc: uy, kumakain sa pares si al lopez, kain din tayotaga sampaloc: WALA KAMING TUBIG!!basta. nakakatawa talaga. either lang yan sa:antok ang mga taga sampaloc. sira ulo ang mga taga sampaloc. ayaw nila sa kandidato. o talagang mataas ang level ng sense of humor namin(22)
Katulad nga ng sinabi ko sanyo, pupunta kami ng mga kaberks ko sa Cavite for 4 days(29)
MAY
taken 'tong pics nato sa cavite. strange no? may 'orb' sa ulo ni Din. hindi namin alam kung kalokohan yun nung ilaw sa paligid namin. pero, ilang shots rin ang nakunan namin sa part na 'to. baka naman malakas naman masyado ang flash ng digicam ko.(4)
SA WAKAS!!!! NAKAHANAP DIN AKO NG DA VINCI CODE!at last piece na yung nabili ko, well, second to the last.(6)
may kadadaan lang na 'prusisyon'. flores de mayo naba? meron kasi syang'burumboom'. at nagro-rosary pa. ngayon lang ako may nakitang nagrorosary na maingaya ang background sa prusisyon. traditionally kasi, ang mga drums ay nasa unahan at ang nagro-rosaryo sa likod.bakit ngaba ako hindi nagulat.nangangampanya lang.nasabi tuloy ng nanay ko na nangangampanya lang pala, ginagamit pa ang dyos.i hate it when people use God's name para sabihin lang na banal sila. banal na aso. santong kabayo. sa makalawa na pala ang election. sana ang manalo eh ang taong magbabalik sa pilipinas sa mapa.(8)
tumawag sakin si pat pagkatapos(ng enrollemnt). 'welcome to the club!' SWEET!(18)
so, this whole 'email-us-and-you'll-get-your-book' thingy really works pala! sana ginawa ko na sya dati. mga 1 week lang naman maghihintay.(22)
i was watching MTB yesterday. and he(GIL) was there. he's making himself look more hilarious, if you ask me. he is a living proof that not all the time, actors engage to politics. sometimes, politicians engross to showbiz too! haha!(23)
JUNE
Finally, I'm in college(9)
i am elected as 1journ2's CLASS REPRESENTATIVE, thank you very much...(14)
over-all, was fine. know what? their editor-in-chief looks a LOT like my Atom Araullo (kelangan talaga may 'MY'). really! i was completely mesmerized.(27)
guess what? I MADE IT TO THE FLAME!(29)
JULY
may banda na'ko!(iba ulit to. hindi ito yung kay dave). basta! final na! hanap nalang kami song. blog ko later kasi inaantok nako(17)
i don't know if it's just a mere coincident but... EXEMPTED KAMI SA FINALS SA LITERATURE! (22)
AUG
then guy number 1 returned telling us na 'mamaya nalang daw kasi baka magalit si coach'. and i even saw marvin cruz telling that to us himself. i can't even look at him straightly because i so wanted to laugh at that moment! i don't even know why but... it was sooo hilarious.(5)
aika: (banas na) ano, buntis ka?(half joking) may: oo(11)
and yup, UST sea, once more, showed up(26)
Really cool 'coz one of the speaker was Mong Palatino. well, i don't know him personally, pero nakikita ko parati name nya sa tinig. really cool and impressive speaker.(31)
SEP
what's wrong with me! the last piece i've written turned out to be a trash(3)
UST's SALINGGAWI ROCKS!!! THEY REALLY REALLY ROCKS!!!the much anticipated Non stop cheering competition has just been concluded! and guess what... UST won it's back to back to back championship! how cool was that!!!(12)
anyways part 3, nakita nanaman namin ni jenny si luanzon and vizcarra! hehe. maybe that's one of the things that cheered me up today. itchy!!!(28)
OCT
site meter reached 10000! *clap clap clap*(9)
I PASSED ALL MY SUBJECTS! I can't believe it! *rejoice rejoice*...Yes, ladies and gents, nanalo si Ivan. you should see the look in his face when he entered the classroom. di mo na makita ang mata. hehe(20)
NOV
My blog is already ONE YEAR OLD! recall my very 1st entry here. cool. really cool.(3)
We have a very interesting set of professors this semester. Really interesting...(10)
Muntikan na palang masunog yung bahay namin kanina. But the happy neighborhood's always on the rescue. Minor lang namaneh. puro kariton yung nasunog. God is so GOOD!(12)
The greatest part was the 'autograph' session. I was this close to SPONGE COLA esp. Ysmael!!!!!!!!!!!!!!!! (how close? imagine you and the monitor of you PC. that close!).(16)
(I don't know how to start this entry. I'm trying to be careful na on what to blog about. But the heck! I wasn't naming anyone anyways!)(20)
Anyways, I completed na my 1st ever English fiction(a story inspired by one of my friends ... I don't wanna mention yet! I won't spoil everything!) ...LIVRE was so astig that my body is currently aching right now!(27)
Our group blog's already up, so try droppin by for a nonsense trip. kidding. http://www.fansclubnibruno.tk/ is the url ... for my 1jrn2 mates who are not yet a member, tag me, and I'll send you a mail on how to join. I currently have 2 members. Kaya JOIN NA!(9)
There would be no fireworks sa Paskuhan '04. That's final. The display costs pala 2Millionphp. The University just donated it to the less fortunate. Ok. I'll be having a merry christmas anyways, might as well share it.(14)
Haha! Ang saya! The parade was fuN! Cheering for AB and all. hehe. I had to admit that CFAD's 'float' was amazing. You can't blame them, they have the most artistic hands in UST (even though not all. Hehe. hindi ako papayag!). And I saw kuya Rj(19)
---------------------
HAPPY Birthday!!! for my Kambal, Althea!!! Tatanda nanaman tayo!!! and to my blockmates Princess and Angela! And of course... to me! hahaha
HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!!!
sana maging maligaya ang dadating na taon para sa inyo at inyong pamilya :)
2004... now signing off...
-----
17 YEAR-OLD NAKO!!!!!
salamats sa mga bumati sa akin... Althea(parang dec 31 palang binabati nako nito.hehe) , Dexter(ninong! lamats!), Karen(nanay!), Patricia(uy, naalala nya!), Jenny(thnkz, anak, sa msg. natuwa ako...lalo na sa last part, hehe), Rafael(uy!salamats sa pagalala!), Bonn(hindi kita lilibre! haha), Evangeline(BANGGEEEE), Marjorie (Kapatid na Goldpish!!!) , Xam(mama! salamat sa pagalala!) , Ate Rea(salamats po ng marami!!!!) at Abu (whoa, naalala mo? salamats kapatid!). Maraming maraming salamats!Pati kay Joyce, Ivan at Kevin. Tsaka sa buong 1jrn2!Salamats talaga!